Blurry Red Sunset at Dasol Bay by JynMelgar
Sunrise by Karen Peterson
February 22, 2012
May mga pangyayari na parang nauulit lang.
Maging ang mga emosyon at mga pinagdadaanan. Sinulat ko ito 7 taon na ang
nakakalipas, hindi ko inakalang mauulit muli. Ako ulit ang bida, pero ibang mga
character na ang aking nakasama. Sa totoo lang, mula noon, wala pa rin talaga
akong nakasama sa panonood ng takipsilim. Siguro hindi ko pa nga talaga nakilala
ang taong binabanggit ko na makakasama sa
habang buhay. Inakala ko lang na iyon na, hindi pa pala. Masyado lang
akong nagmamarunong. Tuloy, masyado akong umasa at nasaktan. Nakalimutan ko nga
sa haba ng panahon ang pagsusulat, dahil inakala ko na natagpuan ko ang matagal
ko nang hinahanap. Sa haba ng panahon, unti lang ang mga ala-ala, pati mga
pictures unti lang rin. Nakakalimutan nga rin, totoo marahil, na ang gamot sa
pusong sugatan ay puso rin.
SUNSETS feb. 24, 2005
Sunset, sa tagalog dapithapon.
Scene 1:
Nakatayo ako sa veranda ng isang mataas na gusali. Natatanaw ko ang
Manila Bay sa dako roon. Ibinulong mo sa akin. Hintayin mo ako at panoorin
natin ang pamosong dapithapon sa Manila Bay. Naghintay ako, umalis ako sa may
veranda. Naghintay ako na at di ko na tinignan ang oras. Hindi ko pinansin na
tumatakbo ang bawat sandali. Hanggang dumating ka, at sinabi mong, "Halika
at panoorin na natin ang paglubog ng araw".
Ngunit
huli na, lumubog na ang araw. Pareho nating di nasaliyan ang araw araw na
pangitain na sa karamihan ay simpleng bagay na lamang. Oo nga, ordinaryo na
lamang iyon, umiinog ang mundo, sunset's are usual occurrence. But one thing
is, iyon lang ang pagkakataon na magkasama tayong mag-appreciate sa kalawakang
nilikha ng Maykapal.
Scene 2: Sunset ulit, this time nasa beach
ako. Nag-iisa, nangangarap na sana kasama kita sa oras na iyon. Ngayon ayaw ko
nang palampasin ang pagkakataon na maski sa picture man lamang eh mapagkit sa
aking isipan ang magandang paglubog ng araw. Ang lungkot kasi wala ka. Sabi ko
sa aking sarili, darating din ang araw na makakasama din kita.
Sa hinaharap: Nawala ka sa buhay ko, pero
ang dapithapon nandyan pa rin. Patuloy iinog ang mundo. Umiyak man ako, walang
nakakaalam. Walang nakakakita, marahil hindi mo malalaman. Masakit man pero
patuloy ang buhay.
Balang araw may isang magmamahal at
mamahalin ko na makakasama sa bawat dapithapon. Hindi lang sa dapithapon, kundi
sa bawat bukang liwayway, at sa bawat segundo ng aking buhay. Patuloy akong aasa na balang araw makilala ko
ang taong ito. Salamat sa dapithapon, pagkat sa pagsapit ng dilim, magbibigay
ng liwanag di lang ang mga bituin kundi ang buwan. Mahaba man ang gabi, tama
lang iyon para maipahinga ang pagal na kaisipan at katawan. Darating din ang
bagong umaga.
No comments:
Post a Comment