Showing posts with label senti. Show all posts
Showing posts with label senti. Show all posts

Wednesday, February 22, 2012

Sunrise and Sunsets

Blurry Red Sunset at Dasol Bay by JynMelgar


Sunrise by Karen Peterson
 
 


February 22, 2012
May mga pangyayari na parang nauulit lang. Maging ang mga emosyon at mga pinagdadaanan. Sinulat ko ito 7 taon na ang nakakalipas, hindi ko inakalang mauulit muli. Ako ulit ang bida, pero ibang mga character na ang aking nakasama. Sa totoo lang, mula noon, wala pa rin talaga akong nakasama sa panonood ng takipsilim. Siguro hindi ko pa nga talaga nakilala ang taong binabanggit ko na makakasama sa  habang buhay. Inakala ko lang na iyon na, hindi pa pala. Masyado lang akong nagmamarunong. Tuloy, masyado akong umasa at nasaktan. Nakalimutan ko nga sa haba ng panahon ang pagsusulat, dahil inakala ko na natagpuan ko ang matagal ko nang hinahanap. Sa haba ng panahon, unti lang ang mga ala-ala, pati mga pictures unti lang rin. Nakakalimutan nga rin, totoo marahil, na ang gamot sa pusong sugatan ay puso rin.
 
SUNSETS feb. 24, 2005
 
Sunset, sa tagalog dapithapon.
Scene 1:   Nakatayo ako sa veranda ng isang mataas na gusali. Natatanaw ko ang Manila Bay sa dako roon. Ibinulong mo sa akin. Hintayin mo ako at panoorin natin ang pamosong dapithapon sa Manila Bay. Naghintay ako, umalis ako sa may veranda. Naghintay ako na at di ko na tinignan ang oras. Hindi ko pinansin na tumatakbo ang bawat sandali. Hanggang dumating ka, at sinabi mong, "Halika at panoorin na natin ang paglubog ng araw".
            Ngunit huli na, lumubog na ang araw. Pareho nating di nasaliyan ang araw araw na pangitain na sa karamihan ay simpleng bagay na lamang. Oo nga, ordinaryo na lamang iyon, umiinog ang mundo, sunset's are usual occurrence. But one thing is, iyon lang ang pagkakataon na magkasama tayong mag-appreciate sa kalawakang nilikha ng Maykapal.
 
Scene 2: Sunset ulit, this time nasa beach ako. Nag-iisa, nangangarap na sana kasama kita sa oras na iyon. Ngayon ayaw ko nang palampasin ang pagkakataon na maski sa picture man lamang eh mapagkit sa aking isipan ang magandang paglubog ng araw. Ang lungkot kasi wala ka. Sabi ko sa aking sarili, darating din ang araw na makakasama din kita.
 
Sa hinaharap: Nawala ka sa buhay ko, pero ang dapithapon nandyan pa rin. Patuloy iinog ang mundo. Umiyak man ako, walang nakakaalam. Walang nakakakita, marahil hindi mo malalaman. Masakit man pero patuloy ang buhay.
Balang araw may isang magmamahal at mamahalin ko na makakasama sa bawat dapithapon. Hindi lang sa dapithapon, kundi sa bawat bukang liwayway, at sa bawat segundo ng aking buhay.  Patuloy akong aasa na balang araw makilala ko ang taong ito. Salamat sa dapithapon, pagkat sa pagsapit ng dilim, magbibigay ng liwanag di lang ang mga bituin kundi ang buwan. Mahaba man ang gabi, tama lang iyon para maipahinga ang pagal na kaisipan at katawan. Darating din ang bagong umaga.

 
 

Sunday, February 19, 2012

An Oasis in the Desert



After a very long journey in the hot and humid desert, I’ve finally found an oasis. I’ll rest a bit my weary bones, enjoy the refreshing water before I’ll go and finish my journey.

I see him just like an oasis, a shelter. He may not be a specialist, a diplomate or a fellow, but he had made the impossible, fixing my broken heart. Something that I thought will happen in a period of a year or 2 years time. My sister told me, to quickly fix my brokenness, move fast, and meet people and date, since I am not really getting any younger. Time is critical. Outside I may look fresh from college, but my ova are quite old. LOL

I actually noticed him last May,liking my wall posts. But I just ignored it; I was even asking myself if we met in college. Something that I can’t remember until now, If I even said “Hi” to him when we we’re undergrads. I am really like that, when my focus is on one thing I ignore other things that blocks my way. It is one of my very irritating traits. Or I may just be loyal or too goal oriented.

But last December I finally had a glimpse of him since his facebook page is active. Amusing wall posts, a comic relief. It’s really nice to see someone, who is very much bored with his work could find time to amuse people. And then just before January ends, he made this stupid post on his wall, advertising that he’s online and wants to chat. Bored like him, I talked to him through FB chat.

And from that moment on, we’ve been friends. It’s nice to talk with a batch mate in college, almost the same interest, and queer though that at our age we are both single. At this age where most of our colleagues and other batch mates have kids; and even some are on their second marriages.

For now, I see him as an oasis, a shelter, a refuge. It’s okay if he won’t stay for a very long while; I want to say thanks because for a short period of time, He had brought my senses back and made me see life on the other perspective.

Now I agree to what Joshua Harris wrote on his book “I Kissed Dating Goodbye”, which he says, “To girls reading this book, a reminder to keep your standards high. Require all things that are grand and true. As you consider the possibility of marriage, don’t lower your standards for a moment; any guy who asks you to do so isn’t worth your time.”

I believe God has the best plans for me. He’ll never let down His church organist.

Tuesday, September 27, 2011

Para Sa Aking Superhero

Pagkatapos ng napakahabang panahon, naharap ko ulit harapin ito. Ang dati kong kinagawian, ang magbahagi ng ilang piraso ng aking isipan. Isinulat ko sa wikang Tagalog, upang lalong maintidihan, no mabalin koma ket Ilokano (kung pwede lang sana sa Ilokano) kaso bitin ang laman ng aking disyonaryo sa wikang ito.

Sabi ng kanta “Lilipad ako sa dulo ng mundo, lilipad ako para lang sa iyo, Dahil ang totoo ikaw ang aking Superhero!” Theme song sa seryeng pambata noon na “SuperInggo” sa Channel 2.

Ngayon ang kwento na ito ay para sa kanya, para sa aking SuperHero.

Dati lagi ako dito, sa mundo ko, kung may magbasa at magdaan, salamat. Kung wala eh di salamat din naman. Ngayon marami na itong karibal, karamihan nasa facebook at twitter, pagandahan ng picture, pagandahan ng kotse, bahay, mga lugar na napuntahan. Ako, dito balik ulit sa munti kong mundo. Isang parte sa malawak ng kagubatan ng internet.

Bakit ko ba sya Superhero? Naramdaman ko sa kanya ang kapanatagan, pakiramdam ko, kahit sinong kalaban mahaharap ko kapag kasama ko sya. May pagkakataon nga noong sumakay kami ng jeep padaan ng Quiapo Ilalim, na sabi ng driver,ay may holdaper sa kabilang jeep. Kinabahan ako, dahil may malaki laki din akong perang dala sa oras na yaon. Ngunit wala akong takot dahil pakiramdam ko kasama ko ay isang Superhero.

Maihahalintulad ko sya sa tatay kong mangingisda. Hindi ako marunong lumangoy, ngunit dalawang beses noong ako ay nasa elementary pa lamang ay isinama nya akong mangisda sa salambaw. Di pa uso ang life jacket sa panahon na iyon. Ang isang salambaw ay matatagpuan sa gitna ng dagat, para mangisda ibababa lang ang lambat, at pag naparaan doon ang isda, huli sila! Malakas ang loob kong umakyat sa salambaw, ang isip ko pag nahulog ako diretso siguro ako sa lambat, at ang paniniwala na di ako pababayaang mahulog ni tatay. “Hindi papayag si tatay na mahulog ako”, isip ko habang binabaybay ang 3 pirasong kawayan papunta sa “kalkalapaw” ng salambaw.Lagi siyang maraming huling isda kapag kasama ako, suwerte ata ako sa buhay niya.

Balik ako sa aking superhero.May kwalipikasyon ba ang superhero?Kalimitan ang napipili ay may mabuting kalooban. Ang aking superhero meron sya noon, mabuting kalooban. Kakalimutan ang kaligayahan, para lumigaya lamang ang kanyang minamahal. Nagaakalang ang kaligayahan ay nababase sa material na bagay tulad ng malaking bahay at magandang kotse. Napagod nang umasa at baka daw naiiinip na akong maghintay.

Hindi nya nalalaman, na may taong talagang matyagang maghintay. Hindi lahat nakikiuso at ang gusto eh naiiba.Mas trip dumaan sa matarik, batuhan, liko-liko kesa mga sementado at diretso. Kaya nga sya ang minahal ko di ba? Isang superhero, kayang gawin ang lahat para sa iba. Kaya ngang magsakripisyo sa hirap, magpakagat sa lamok na may malaria, akyating ang matataaas na tore para magdugtong ng mga tubo, matyaga ng 2 hanggang 4 na linggo sa karagatan para makapanghuli ng isdang mataas sa omega 3, at di nawalan ng pag-asa kahit nakakakapit lamang sa katig ng Bangka sa loob ng 3 araw at 4 na gabi. Kaya ba iyan lahat ng isang simpleng tao? Hindi ba isa lamang superhero ang makakagawa niyan?

Ako isa lamang alalay ni Superhero. Kung baga sidekick? Taga isip ng paraan pano talunin ang mga kalaban, taga plano, at sya ang magsasagawa ng mga planong iyon. Alalay na nagmahal sa isang Superhero. Alalay na kalimitan ay sinasagip nya, lampa nga kasi, papel, computer at ballpen ba naman ang laging hawak, pano lalaban sa kaaway?

Ngunit may pagkakataon na maski SuperHero ay nagkakaroon ng kahinaan. Ang alalay sure, laging may kahinaan, at nahawaan sya noon, parang virus ng sipon, madaling makahawa pero madali din namang pagalingin. Sabi ng kapatid ko “self-sacrifice”, di ko daw sya deserve, maghanap ng “mas nakakahigit”. Patay na ito, wala na talagang kapag-a pag-asa, gumawa man siya ng recommendation letter para kay Ultra Man Ace, Bumble Bee at Optimus Prime para tanggapin akong alalay, baka di rin nila ako matagalan.

Ako, na katropa ata ng mga UFO, schizonts ng malaria parasites at katulad ng purong honey. Rarely seen, makikita lang pag sobra sobra na, at mahirap kolektahin, makakagat muna ng santambak na honeybees. In other words, naiiba din, sino ba naman kasi talaga ang makakatagal sa isang SuperHero, kundi si Super alalay. Parang Annie ni Shaider.

Namimiss ko ang aking SuperHero. Handa akong labanan maski ano mang laban ng buhay kung kasama ko siya. Umaasa pa rin ako na isa sa mga araw na ito, na bumalik ang dati nyang lakas at paniniwala na kailanman ang isang Hero at alalay ay di dapat maghiwalay. Di dapat paghiwalayin ng maski sinuman bagkus dapat nang harapin ang parating na hamon ng buhay.

Wednesday, May 12, 2010

What I've Wanted Most


He did not asked me what I want he just presumed that I wanted a house; unknowingly I am l longing for a Home

We could build our house together step by step, but these he doesn’t know.

I wanted to hold his hand to feel those calluses, those hardships he had for all these years.

I wanted to feel his embrace, and feel its comfort

I longed to feel his kisses.

I really want to be with him right this moment; I want to start a lifetime with him

I can face anything with him, I don’t fear the future.

But how can these be?
when he can’t face himself to stand and say “YES” to spend a lifetime with me.